Aminado si Roxanne Barcelo na talagang inatake siya ng matinding nerbiyos nang gawin niya ang kanyang first iWant digital series na “Fluid” kung saan kailangan niyang makipaghalikan at makipag-love scene sa kapwa babae.
Sa direksyon ni Benedict Mique na mapapanood na simula ngayong Biyernes, ang “Fluid” ay tungkol kay Mitch (Roxanne) na dadaan sa matinding challenge pagdating sa pag-ibig. Dito kailangan niyang mamili kung sino ang mamahalin niya forever: ang ex-boyfriend (Joross Gamboa) na nanloko sa kanya o ang confident lesbian (beauty queen Ann Colis) na totoong nagmamaal sa kanya.
“First time ko talaga to do a role like this and sobra siyang challenging even before saying yes to the project,” ani Roxanne.
Ano’ng feeling na babae naman ang kahalikan niya ngayon? “Sobrang nanibago talaga. Aware naman kayo sa preference ko but at the same time I really said to myself na ‘yung ako ay tanggal dito. Go lang nang go!”
Sey naman ni Direk Benedict, “It’s a very exciting series, nakakatuwa siya, nakakaiyak, nakaka-in love. Ang maganda dito there’s a family aspect. I think parents and children should watch it because marami silang matutunan. Basically the film is about acceptance. So magandang message ‘yan for everyone.”
Kasama rin dito sina Janice de Belen, Al Tantay, Zar Donato, J-Mee Kantayag at Emmanuelle Vera. Magsisimula na ‘yan sa March 13 sa iWant.