Waging best actress si Cristine Reyes para sa pelikulang “Untrue” sa katatapos lang na 40th Fantasporto International Film Festival (FPIFF) na ginanap sa Porto, Portugal.
Ito ang kauna-unahang international acting award ni Cristine at ikatlong Filipino actor na nanalo sa nasabing film festival. Ang “Untrue” ay ipinalabas lang kamakailan dito sa Pilipinas mula sa Viva Films kung saan umani rin ang aktres ng papuri mula sa mga nakapanood nito.
Kung matatandaan, nanalo ring best actor si Ian Veneracion sa FPIFF noong 2018 para sa “Ilawod” habang nag-best actress naman si Barbie Forteza noong 2016 para sa “Laut.”
Bukod kay Cristine, isa pang Pinoy ang nagwagi sa 40th FPIFFm si Derick Cabarido na itinanghal na best director para sa “Clarita”, ang horror movie ng Black Sheep Productions na pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria.