Shaina kay John Lloyd: Magkaibang tao na kami ngayon but we’re friends

JOHN LLOYD CRUZ AT SHAINA MAGDAYAO

“It’s so nice because we’re different people now. And obviously, we’re both very happy with our respective lives.” Ito ang paglalarawan ni Shaina Magdayao sa pagsasama nila ng ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz sa bagong pelikula ni Lav Diaz.

Sa unang pagkakataon ay kinlaro ni Shaina na hindi siya bida o leading lady ni John Lloyd sa “Servando Magdamag”. Nakausap namin ang aktres sa presscon ng pelikulang “Tagpuan” na entry ng Alternative Vision Cinema sa 1st Summer Metro Manila Film Festival kasama si Cong. Alfred Vargas sa direksyon ni MacArthur Alejandre.

Ayon sa dalaga, “Actually, it’s not my film, I’ll answer it once and for all para hindi na humaba pa. It’s not my film with him. It’s his film. It’s a Ricky Lee material. It’s called Servando Magdamag.

It’s directed by Lav Diaz. It’s not my film. Cameo lang po ako.”

Naging laman kasi ng mga pahayagan na pagkalipas ng ilang taon ay muling nagtagpo ang ex-lovers at may pahaging pa na baka may “second chance” ang kanilang pag-iibigan.

Ang dahilan ni Shaina kung bakit hindi niya natanggihan ang pelikula ni Lav Diaz, “Sa lahat ng films na ginagawa ko po kasi with Direk Lav, hindi ko po hihindian ‘yan. I was able to attend so many international film festivals and the exposure he has given me is something na hindi ko inakalang mararating ko. So, isang malaking utang na loob ko sa kanya ‘yun and this is my way of thanking him, by not saying no. So I did a cameo to be very exact.”

Dugtong pa ni Shaina, “I’m happy that I can now say that I was able to support not just my director Lav Diaz also my friend, John Lloyd.”

Tinanong namin kung ito ang una nilang pagkikita pagkatapos ng kanilang relasyon, “Lagi naman kaming nagkikita sa ABS (CBN), sa mga event like Star Magic Ball, okay kami ni John Lloyd at saka matagal na (yung relasyon nila).”

Read more...