Horoscope, March 10, 2020 | Bandera

Horoscope, March 10, 2020

Madam Sophia |March 10,2020
facebook
share this

Horoscope, March 10, 2020

Madam Sophia - March 10, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sisimulan sa pagsisimba ang araw na ito, dobleng suwerte ang darating. Pagdating ng hapon isang masarap na romansa ang mararanasan. Sa pinansyal may mag-aabot sa iyo ng malaking halaga ng salapi, hindi dapat tumanggi, tanggap lang ng tanggap ang dapat. Markahan ang 4, 9, 15, 28, 33, at 48. Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasikatan. At sa lovelife lagi mong tandaang ang nagpapaligaya ng relasyon at ng pamilya ay salapi. Kaya ngayon pa lang mag-ipon ka na ng maraming maraming pera. Markahan ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Nalala mo ang dating turo ng mga matatanda: “Magsipag at magsikap para yumaman!” Ngayon iba na ang turo: “Magpaganda ka lang, tiyak na mapapasa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Black at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Sa lovelife, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa – pagpasok nya ng pintuan halikan mo agad. Markahan ang 5, 14, 23, 33, 38 at 41. Green at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Tama ang ginagawa mong pagsa-sakripsiyo at page- exercise, para mapanatili ang kalusugan. Sa lovelife habang sumeseksi, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyo at bibigyan ka na naman niya ng maraming pera. Markahan ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Red at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Isang malaking sopresa ang darating na may kaugnayan sa salapi. Bilang pasasalamat, pasyalan ang isang kamag-anak na matagal ng nahihintay ng iyong tulong. Sa ganyang paraan, lalong bubuhos ang mga biyaya at suwerte mula sa langit. Sa pag-ibig, habang pumapasok ang tag-araw, kasabay nitong iinit na muli ang pagmamahalan. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Hindi dapat balewalain ang obligasyon sa pamilya. Sa bandang huli ang kapamilya mo rin ang tutulong sa ‘yo at magaalaga. Sa lovelife, hindi matatakasan ang isang Taurus, mananatili siyang kapuso mo pa rin. Markahan ang 7, 16, 25, 29, 43 at 49. Red at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Pagpasok ng Abril malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Sa lovelife, sa sandaling nakahawak ng maraming pera, wag kalilimutan ang pangako sa kasuyo – ang paswi-swimming ngayong tag-araw. Markahan ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Green at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Salubungin ang bawat araw ng may ngiti at galak sa ‘yong puso upang lumigaya ka at umunlad. Sa lovelife, ngitian ang uto-utong kasuyo upang maipasunod mo na naman siya sa lahat ng iyong kagustuhan. Markahan ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Green at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Upang magpatuloy ang suwerte, laging mag suot ng pula at asul. Sa pamamagitan ng kulay na pula at asul, lalong sasaya ang iyong love life at kusa darami ang inyong pera. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45.Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Upang pumasok ang suwerte, habang umiinit ang panahon, tanggalin na sa pamamahay ang mag sira-sirang gamit, palitan ito ng bago at hindi sira. Sa ganyang paraan ang masayang pag-ibig at maraming salapi ay mabilis ng daraing. Markahan ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Blue at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Maiiwasan ang karamdaman kung ilalagay sa tamang oras ang pagkain. Wag magpalipas ng gutom. Sa lovelife at pinansyal isang Sagittarius ang lagi ng aalalay at tutulong sa ‘yo. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Blue at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Mali ang binabalak mong paglayo! Ang mga Pisces ay hindi nagiging maligaya kung malayo sa pamilya. Sa lovelife at pinansyal, kapag malapit ka sa iyong mga mahal sa buhay mas madali kang uunlad at liligaya. Markahan ang 2, 8, 16, 25, 34, at 43. Green at yellow ang buneas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending