Live studio audiece bawal muna sa Eat Bulaga dahil sa COVID-19

BILANG pag-iingat at para mapigilan ang posibleng pagkalat pa ng coronavirus disease o COVID-19 sa Metro Manila naglabas na ng public announcement ang Eat Bulaga para sa publiko.

Napagdesisyunan ng management ng longest-running noontime show na Eat Bulaga na itigil muna ang pagtanggap at pagpapapasok ng studio audience sa kanilang APT Studios na matatagpuan sa Cainta, Rizal.

Kahapon, kinumpirma na ng mga mayor sa Quezon City at Marikina City na may confirmed COVID-19 cases na sa kanilang mga siyudad.

Sa official Instagram page ng Eat Bulaga, sinabi ng produksyon na masusing pinag-aralan ang nasabing hakbang bilang pagsunod na rin sa ginagawa ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Nagdeklara na rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng public health emergency dahil dito.

Narito ang official statement ng Eat Bulaga, “The management of Eat Bulaga has decided to temporarily suspend the admission of a live studio audience in the airing of its show, to help prevent the spread of the virus and to ensure the health and safety of its talent, staff, crew and members of its audience.

“Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate with government efforts to contain the spread of COVID-19.

“Araw-araw pa rin po kaming maghahatid ng isang libo’t isang tuwa sa inyong mga tahanan. Ingat po tayong lahat mga Dabarkads!”

Read more...