Payo kay Matteo: Wag nang patulan si Mommy Divine, iwas karma

TILA documented ang mga ganap sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

One Instagram account, ashmatt_love, dedicated its site para sa mga events ng bagong kasal. Actually, they’re more of the personal kasi halos lahat ng posts ay wala namang kinalaman sa showbiz directly.

Marami ang natuwa when Matteo greeted someone a happy birthday in a short IG video where he said, “Happy, happy birthday to you. MY WIFE also wants to say happy birthday.”

Marami ang kinilig doon and it generated nothing but praises for the young couple.

“Super kilig talaga sila ito ang happy pill ko everyday po at tanggal stress.”

“Sana KAHIT 50 years of marriage niyo ashmatt ganyan pa din kayo ka sweet sa isat isa.”

“Take good care of her and show the world that you make a right decision your wife Sarah is lucky to have you.”
“Sobra ako humanga kay Matteo at Sarah kasi lumaban sila hindi nag give up. God bless both of u. Pray na lang lagi at wag ng sumagot sa isyu laban sa parents ni Sarah, ang ina darating ang panahon magkakalapit ulit kayo.”

In a photo where Sarah and Matteo were joined by Karen Davia and Boss Vic de Rosario, marami rin ang natuwa lalo pa’t nakalagay sa caption na they’re neighbors.

“Bumped into their neighbors. Ms #KarenDavila and Boss Vic!” ang caption na nakalagay sa photo.

Again, maraming good vibe messages ang inani nito.

Aliw na aliw ang fans sa mga ganap sa mag-asawa. Hindi sila nagsasawang purihin ang young couple na nakatira ngayon sa condo.

Read more...