DUMULOG ang kilalang TV and radio host na si Jobert Sucaldito sa opisina ni DOLE (Department of Labor and Employment) Sec. Silvestre Bello III sa Intramuros, Manila recently para ihain ang hinaing laban sa DZMM.
It took Kuya Jobert couple of months na pananahimik before desisyon finally na lumapit kay Sec. Bello kasama ang kanyang legal counsel and friend na si Atty. Ferdinand Topacio.
Nag-ugat ang desisyon ni Kuya Jobert na maghain ng reklamo sa isyu ng paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre.
“Late December naging isyu ang balitang naghiwalay sila. So, parang naghabol sa yearend, e. Ako naman, siyempre, we have sources. Kasi tayo naman may kanya-kanya tayong nakukuhaan ng souce. A very reliable source whispered to me na totoong hiwalay. Kaya lang, since wala ngang ingay sa kanila, lumabas yung isyu, all of a sudden, di ba nagulat na lang tayo,” panimula ni Kuya Jobs.
Bigla na lang daw nag-float ang isyu ng hiwalayan after James left Viva Entertainment kung saan under contract siya. Pagkatapos, nagtayo siya ng sariling talent management kasama ang daddy niya. Habang si Nadine naman na under Viva rin ay nagpaplano na ring layasan si Boss Vic del Rosario.
“December 30, to be exact, lumabas sa front page ng isang tabloid, na si Nadine ay nagbabanta, kapag iniwan siya ni James, magpapakamatay daw,” sabi pa ni Kuya Jobs.
Kinagabihan, he scolded Nadine sa radio program nila ni Papa Ahwel Paz sa DZMM, “If you watched that video, lumabas sa Facebook, e. ‘Anak, don’t do that. If you’re heartbroken natural lang ‘yon. There’s a proper way of handling that. Hindi mo kailngang magpakanatay dahil sa lalaki, and so on, and so forth.
“Siya ang pinangaralan ko because bata, e. Then, after New Year, Jan. 6, first day of work, Monday. Si Nadine, may pumutok na isyu sa kanila ni Ricky Lo. Kasi may sinulat si Ricky at mali yata yung nagamit na apelyido niya. Tapos, sumagot siya sa kanyang social media account lambasting Ricky Lo. Alam mo yung dating, maangas, Which I found disrespectful as artist,” paliwanag ng radio host.
“Pinangaralan ko siya. It’s wrong. Kung meron kang hindi nagustuhan, sabi ko sa kanya, why don’t you call him? Reach out to him. Tell your side of the story para mai-print niya. Kasi, madali naman mag-erratum, That time yung fans, binobomba na tayong mga writers. Gumagawa lang daw tayo ng kwento para meron tayong trabaho.
“Parang kulang na lang na sabihin nila, hindi tayo makakakain kung walang isyu sa JaDine. Ang sabi ko, without them mabuhuhay kami. Kung gusyo ninyo, i-blockout namin ang JaDine, si Nadine. Huwag namin silang pag-usapan.
“E, kung gusto ninyo na pag-usapan lang kayo, sabi ko, e, di ba may pa-pictorial pa siya sa building na naka-panty siya, naka-thong siya? E, di sana tumalon na lang siya. That was a joke. Alam ko naman na medyo off. But, in our language, that was a joke,” aniya pa.
The next day, tinawagan siya ng station manager nila sa DZMM na si Marah Capuyan. Pero natutulog pa siya noon kaya nag-call back siya paggising niya.
“Ang sabi niya, si Miss Jing Reyes daw was out of the country, she is our head (Integrated News & Current Affairs). Nagambala raw, nag-worry si Miss Jing because she was tagged by these fans. Dahil may nag-share daw nu’ng video saying that I was promoting suicide. Iba na ang dating, because out of context na.
“So, ang sabi niya, gumawa ako ng statement, an apology. So, sabi ko, okey. Tutal nasabi ko naman talaga kahit in jest. I texted my statement to her at inilagay nila sa DZMM at kineri ng CNN, ng TV Patrol,” kuwento pa niya.
Sumunod daw siya sa lahat ng ipinagawa sa kanya hanggang sa makatanggap ng letter from Ms. Capuyan informing him that he’s suspended as DZMM anchor (Showbuzz ) “until completion of the investigation on the matter.”
Sa sulat ni Kuya Jobert na isinumite sa office ni Sec. Bello, ipinaliwanag niya na wala siyang nilabag na rule or provisions sa “Manual” (ethic’s rule) since he conducted himself within the bonds of responsible journalism when he made the said commentaries.
Ang sabi pa sa sulat ni Kuya Jobert sa DOLE, “There was a violation of my constitutional right to due process when I was suspended without pay effective on the very same day that I came to know of the decision of the management to suspend my services.
“I was never given the opportunity to be heard despite claims by the management that I was requested to explain why my statements in Showbuzz should not be considered as a breach of.my contract and a ground for suspension and/or terminated.”
Bukas ibabahagi naman namin ang naging sagot ng DZMM sa pormal na reklamo ni Kuya Jober sa ngalan ng balanseng pamamahayag.