THIS month na lilipat ang Kapuso actor na si Derek Ramsay sa bago niyang bahay. Finishing touches na lang daw ang kailangan at tapos na tapos na ito.
Sa kanyang lateat vlog, ipinasilip niya ito sa netizens, “This looks like one big construction site, but it’s coming together. As you can see, we’ve done the landscaping already. Finishing the final touches on the exterior and even the interior is almost done.”
“I’m supposed to move in, March 15. I’m meeting with my architect on Thursday. He says we’re on time. When I was in Japan for a week, a lot of stuff was done. Miracles can happen,” sabi pa niya.
“I need to move in because the new family that bought my old house is moving in. If this is not done, I’m gonna be homeless. If any of you are willing to open up your house to me,” aniya pa.
* * *
Sa pagdiriwang ng International Women’s Month, may handog na obra ang GMA Heart of Asia para sa mga matatapang na kababaihan sa hit na Korean drama series na “The Last Empress” simula ngayong Marso 9.
Iikot ang kuwento kay Oh Sunny (Jang Na-ra), isang aspiring musical actress na magpapakasal sa isang emperor nang walang kaalam-alam sa mga problemang kasasangkutan niya.
Madadamay ang bida sa iba’t ibang problema tulad ng palace power struggle at sa misteryosong krimen na gigimbal sa kanilang monarkiya. Sa kanyang paghahanap ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, makakaramdam siya ng paghanga sa bodyguard ng royal family.
Magtagumpay kaya ang pagmamahal laban sa kasamaan? Panoorin kung papaano ito gagawin ng “The Last Empress” simula ngayong Marso 9, 10 p.m., sa GMA Heart of Asia.