UMABOT sa 7,000 kilo ng processed meat ang nakumpiska sa Virac Port sa Catanduanes kahapon ng hapon.
Ani Maj. Bon Billy Timuat, hepe ng Virac Police, aabot sa P700,000 ang halaga ng processed meat ang natagpuan sa 10-wheeler container van mula sa Cavite na agad namang sinunog.
Pinalitan umano ang mga tarheta para itago ang impormasyon ng ginamit ng produkto.
Idinagdag ni Timuat na naharang ang container van ng Philippine Coast Guard alas-3 ng hapon.
“The products were documented but the packaging was tampered,” sabi ni Timuat.
Noong Pebrero, ipinag-utos ni Acting Governor Shirley Abundo ang temporary ban sa pagpasok ng mga buhay na baboy at pork products mula sa ibang lalawigan sa harap ng banta ng African swine fever. –
MOST READ
LATEST STORIES