Boiler ng cruise ship pumutok; Pinoy sugatan

 

SUGATAN ang Pilipinong crew ng cruise ship nang pumutok ang boiler habang naglalayag ang barko sa Manila Bay kaninang madaling-araw.

Inilikas ng mga tauhan ng Coast Guard si Francis Bonzato, 26, engine cadet ng M/V Quantum of the Seas alas-4:43, ayon sa ulat ng PCG.
Nagtamo si Bonzato ng halos 25 porsiyentong pinsala sa katawan dahil sa second-degree burns sa kaliwang braso at kanang binti.

Sinabi ni Bonzato sa mga tauhan ng PCG na biglang naglabas ng steam ang boiler habang nagkakarga siya ng kemikal.
Sa kabila ng mga pinsalang tinamo ay nakalayo si Bonzato at humingi ng saklolo sa iba pang crew.
Agad ipinadala ng PCG ang BRP Tubattaha nang matunugan ang insidente, at dinala ng mga tauhan nito si Bonzato sa Manila Doctor’s Hospital.

Read more...