HASHTAG #CoupleGoals talaga ang ipinaglalaban ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino na nag-celebrate kamakailan ng kanilang 7th anniversary.
Ibinahagi ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino sa social media ang isa na namang milestone sa relasyon nila ni Ice.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Liza ang sweet photo nila ng asawa kasabay ng paglilinaw na iba pa ang 7th anniversary nila sa kanilang anniversary tuwing December.
Caption niya sa kanyang IG post, “Kung may ANNIVERSARY…may JOWANIVERSARY din and today we celebrate our 7th year as magjowa.
“Nope, there’s no such thing as ‘seven year itch’ for us…in fact we broke the curse of the ‘Seven year itch’ dahil mas lalo pa yata akong patay na patay na patay na patay sa’yo mahal ko. Love, thank you for loving me unconditionally, for keeping me sane, for being my strength, for bringing out the real me and everything in between.
“You inspire me to be good. To be better. To be the BEST, each day. Haaay…Mamimiss na naman kita. Ikaw naman ang nang-iwan para sa US TOUR mo! Ingat ka dyan. Slaaaay!
“Hindi man ako ang ‘plus ONE’ mo sa concert guesting mo ngayon, lagi kang ‘plus ONE’ sa puso ko! Nakanangtooots Love you!” mensahe pa ni Liza.
Kung noon ay maraming namba-bash sa mag-asawa dahil nga sa kanilang lesbian relationship, ngayon ay halos puro papuri at positibong komento na ang kanilang natatanggap, lalo na sa mga supporters ng LGBTQ+.
Pinatutunayan daw kasi nina Liza at Ice na may forever din sa gay and lesbian relationship.