Horoscope, March 9, 2020 | Bandera

Horoscope, March 9, 2020

Madam Sophia |March 09,2020
facebook
share this

Horoscope, March 9, 2020

Madam Sophia - March 09, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging maligaya at ubod ng suwerte ang araw na ito kung magsusuot ng red. Sa lovelife, hindi makakatanggi ang minamahal kapag nakasuot ka ng pulang underwear. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng pera habang ikaw ay nakapula. Markahan ang 3, 6, 27, 33, 42 at 47. Bukod sa red buenas ang green.
Aries – (Marso 21-April 19)- Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa lovelife, kapag payapa ang pakiramdam, mas masarap na romansa ang makakamit. Tuloy naman ang dating ng materyal na bagay sa payapang isipan. Markahan ang 9, 18, 21, 30, 42 at 44. Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Mga di inaasahang suwerte ang darating! Isang Libra ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa lovelife ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligo at maghilod na mabuti at magpalit ng underwear! Markahan ang 3, 18, 24, 27, 33, at 46. Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Sa pinansiyal, tuloy-tuloy ang magandang pasok ng salapi at dagdag na suwerte sa kabuhayan. Umpisahan mo ng magipon kahit pakonti-konti. Sa lovelife, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao at desisyon na dapat mong irespeto.. Markahan ang 5, 14, 23, 35, 45 at 49. Lilac at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Panahon na upang ipatupad ang mga bagong diskarte na noong mo pa iniisip. Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa lovelife, bagong romansa ang kailangan upan lalong makiliti ang minamahal. Markahan ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Orange at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Ang lakas ng loob at pagiging atribida ang hihigop ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Ituloy mo lang ang dati ng ginagawa kahit na maraming komokontra. Ang sarili pasya mo pa rin ang dapat masunod upang mahawakan mo na ang malaking halaga ng salapi na matagal ng nakalaan sa iyo. Markahan ang 1, 19, 29, 38, 40 at 48. Green at brown ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Dagdagan mo pa ang pagsisipag, dahil panahon mo ngayon, habang nagsisikap tuloy-tuloy na madodoble ang kinikita. Sa lovelife, ipagpatuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Markahan ang 7, 14, 27, 36, 40 at 44. Blue at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Simple lang ang sekreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings, bago gumasta. Sa lovelife, yayain ang kasuyo na mag-bukas ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Markahan ang 6, 14, 23, 32, 33, at 47. Blue at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Tama ang iniisip mong lumayo sa lipunan. Lagi namang gastos lang ang mapapala sa kung saan-saan lakaran at gimmikan. Ang paga-outing ng pamilya na noon pa plinapano ay ayos na, alalahanin mong mahirap kitaan ang pera. Sa lovelife, wag masyadong dominahan ang kasuyo dahil baka makahata na siyang lagi mo siyang pinapangunahan Markahan ang 9, 14, 16, 28, 35 at 48. Lilac at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Ituon ang isip sa iisang gawain lamang! Sa pinansiyal, basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy lalo pang lalago ang kabuhayan. Sa lovelife, anoman ang balakid sa inyong relasyon, wag kang bibitaw – sa bandang huli kapwa din kayo magiging maligaya. Markahan ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Beige at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Ituloy ang pagiging masinop, upang lalo pang yumaman, ganon paman upang patuloy kang pagpalain ni Lord, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Tama ang ginagawa mong laging bukas palad at handang tumulong upang ang suwerte at magagandang kapalaran ay patuloy ding ipagkaloob sa iyo ng langit. Markahan ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Gold at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Tama ang iniisip mo, sa pagtitiyaga mas madaling makakamit ang tagumpay. Sinop-sinop lang ng kabuhayan ang pormula upang yumaman. Sa lovelife, kaunting pakiusap pa mapahihinuhod mo rin sa iyong kagustuhan ang kasuyo. Markahan ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Anoman ang problema, tandaang lilipas din yan! Kapag nakahawak ng malaking halaga, bayaran na agad ang mga pagkakautang. Sa lovelife, unawain ang kasuyo, kaya ka niya laging kinokontra nangangamba lamang siyang baka mabigo at malungkot ka na naman Markahan ang 7, 16, 27, 39, 43, at 47. Blue at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending