Para kay Sarah: Walang katapat na pera ang kalayaan, pagmamahal

MATTEO GUDICELLI AT SARAH GERONIMO

May mga kaibigan kaming nakatira sa sosyal na condominium na tinitirhan ngayon ng mga bagong kasal na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Puro positibo ang kanilang mga kuwento, walang kaangas-angas si Matteo at palagi namang nakangiti si Sarah. Naturingang pangyayamanin ang condo unit na kanilang tinitirhan pero hindi pa rin sila nakaliligtas sa imbitasyon ng pakikipag-selfie.

Kuwento ng aming kaibigan, “Meron din kasing nakatirang female personality dati sa condo ng pinsan ko, pero kapag nakikita na siyang bumababa sa elevator, e, walang lumalapit sa kanya.

“Palagi kasi siyang parang nagmamadali, lagi rin siyang nakayuko, kaya walang nakikipag-picture-taking sa kanya! But with Matteo and Sarah, very approachable sila, nakangiti agad, very amiable sila, kaya maraming nakikipag-selfie sa kanila.

“Ang suwerte ko nga, I’m here lang for my review, nakikitira lang ako sa unit ng cousin ko, pero sinuwerte pa akong makita sina Matteo at Sarah.

“Holding hands sila palagi habang naglalakad, hindi bumibitiw sa kamay ni Sarah si Matteo, ang babait nila!” kuwento pa ng aming kaibigan.

Kitang-kita naman kahit sa TV ang kakaibang kislap ng mga mata ni Mrs. Sarah Guidicelli, hindi na niya kailangang magsalita pa, ang kanyang mga mata na ang nagdadayalog kung gaano siya kaligaya ngayon.

Totoong-totoo, wala ngang katapat na presyo ang kalayaan, ‘yun mismo ang nararamdaman ngayon ng misis ni Matteo Guidicelli.

Read more...