Emoterang veteran actress buking na ni direk kapag inaatake ng katamaran

HINDI napipigilan ang pagkakaedad. May mga bagong paraan para hindi gaanong mapansin ang pisikal na pagtanda, nareretoke ‘yun, pero ang edad ng tao ay hindi puwedeng maitago.

May edad na ang isang kilalang female personality, alam ng buong bayan kung gaano siya katanda ngayon, kabisado ng publiko ang kanyang kaarawan.

Natural, dahil sa kanyang pagkakaedad ay marami na rin siyang nararamdaman, lalo na’t hindi naman siya kilalang maingat sa kanyang kalusugan.

Kuwento ng isang source na nakasubaybay sa buhay at career ng nagkakaedad nang babaeng personalidad, “Marami nang sumasakit sa katawan niya. Ang dami-dami na niyang nararamdaman.

Pero selective ‘yun!

“Umaariba lang ang sakit na sinasabi niya kapag nasa line of work siya! Du’n niya nararamdaman na sumasakit ang ngipin niya, kaya bigla siyang naghahanap ng dentista!
“Saan ka naman makakahanap ng doktor kung nasa gitna ng gubat ang shooting, di ba? So, bigla na lang siyang magpapaalam, kailangan na niyang bumalik sa siyudad, para makapagpatingin siya sa doktor,” unang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsang nasa location din ang shooting ng pelikulang ginawa ng aktres ay bigla namang sumakit ang kanyang mga paa. Hindi siya makatayo, nagpapahanap siya ng wheelchair, hindi siya nakalusot sa alibi niya dahil may wheelchair sa set.

Balik-chika ng aming source, “Sablay ang ibinigay niyang dahilan, may wheelchair pala sa location! Hindi niya naisip ‘yun, kaya napahiya siya sa drama niyang super-sakit ang magkabilang paa niya!

“Ganu’n pala siya kapag sinusumpong na siya ng katamaran! Kung anu-ano nang dahilan ang ibinibigay niya sa production! Kapag gusto na niyang umuwi, e, kahit ano na lang, sumasakit sa katawan niya!

“Nag-usap nga ang dalawang direktor nu’ng minsan, ang sabi ni Director A kay Director B, ‘Nagamit na ba niya ang dramang sumasakit ang ngipin niya? ‘Yung masakit daw ang mga paa niya, naidahilan na rin ba niya?’

“Ang sabi ni Director B, ‘Magkasunod nga niyang sinabi ‘yun, naiinis nga ako, kasi, dalawang sequences na lang at sarado na kami, bumitin pa!’

“Nakakaloka siya! Pero kapag nandu’n naman siya sa isang place na maingay at mausok, e, wala siyang nararamdamang kahit ano!

“Kahit maghapon at magdamag siyang pumipindot, e, okey na okey naman ang katawan niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Naku, kilalang-kilala n’yo kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday! Waley nang clue!

Read more...