KC love na love ang dagat: Nakaka-heal, nakakaganda

“Gamot” para kay KC Concepcion ang dagat. Isang certified beach lover ang anak ni Megastar Sharon Cuneta at aminado siyang napakalaki ng naitutulong ng dagat sa kanyang personal na buhay.

Kamakailan ay nagbakasyon sa Boracay si KC at sinabi niyang doon siya nagkaroon ng chance na makapag-isip-isip tungkol sa kanyang buhay.

Nag-post siya sa Instagram ng kanyang litrato sa isang bahagi ng Boracay na may captio na, “Bakit ganun ‘pag nasa beach mapapaisip ka talaga nang malalim… Ano ang mga nangyayari sa buhay mo, saan ka thankful, saan ka magpray ng mas matindi pa, ano ung mga naging good, naging bad, mga memories, lahat na.”

Dagdag pa niya, “Kaya sabi nila maganda talaga ang mag spend ng time sa beach! Nakaka heal, nakaka ganda. Ito talaga ang the land of maraming hugot: FEELippines!!!”

Read more...