Promise ni Anne kay Baby Dahlia: Gagawin ko lahat para protektahan ka

“GAGAWIN ko ang lahat para protektahan ka!”

‘Yan ang promise ni Anne Curtis sa kanyang first baby kasabay ng pagbabahagi ng ilang litrato ng sanggol sa Instagram.

Hindi ipinakita ng mag-asawang Anne at Erwan Heussaff ang mukha ng kanilang panganay sa mga ipinost nilang larawan nito sa social media. Tanging ang bahagi ng ulo, daliri at mga paa nito ang makikita sa IG post ng proud parents.

Pinangalanan nila ang kanilang “little bubba” na Baby Dahlia Amélie Heussaff. Inamin ng mag-asawa ang “surreal feeling” ng pagiging first-time parents.

Caption ni Anne sa Instagram photo ng anak, “It’s an unexplainable kind of love. The kind I’ve never felt before. It’s so overwhelming and fills your heart to the brim with pure happiness.

“I will always be here to love, protect, guide and hold her little hand every step of the way… even when that little hand isn’t so little anymore.

“Everyone, I would like to introduce our darling daughter, Dahlia Amélie Heussaff.”

Ayon naman kay Erwan, mas tumindi pa ang pagmamahal niya kay Anne nang makita ang kanilang anak.

“I never knew that my heart could grow so quickly in just one day.

“I also had no idea that I could fall in even more in love with my wife.

“Anne was so impressive throughout her pregnancy and labor and I will forever be in her debt,” caption ni Erwan sa litrato ng paa ni Baby Dahlia.

May pahabol pang biro ang vlogger-businessman tungkol sa pag-leak online ng balitang nanganak na si Anne.

“P.S her name is Dahlia Amélie, in case some reporter decides to ‘break the news’ again.

“P. P. S hug your mothers,” mensahe pa ng mister ni Anne.

Read more...