SA wakas, nasilayan na rin ni Jasmine Curtis ang first baby ng kanyang ate na si Anne Curtis.
Agad na lumipad patungong Melbourne, Australia ang leading lady ni Rocco Nacino sa DOTS PH para makasama ang kanyang pamilya, lalo na ang unang pamangkin.
Sa Twitter, nag-post si Jasmine na nasa Australia na siya, “After celebrating my bros 21st birthday and seeing the bubba girl, now tuned in to #DOTSPHTheKiss,” na ang tinutukoy nga ay ang trending episode ng DOTS.
Sa interview namin kay Jasmine bago manganak si Anne sinabi nitong, super ready na siyang maging tita and ninang at the same time, “Sobrang excited ko nang maging tita. I said nga, I think that’s one of the roles I’m most excited for this year, more than anything. It’s an addition to the family, another person to love. It’s just exciting to get to know our new addition, sa family.”