Horoscope, March 7, 2020 | Bandera

Horoscope, March 7, 2020

Madam Sophia |March 07,2020
facebook
share this

Horoscope, March 7, 2020

Madam Sophia - March 07, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unahin ang pagsisimba at mga bagay na may kaugnayan sa ispiritwal. Makikita mo ang resulta, magugulat ka, isang nilalang na may kayumangging kulay ng balat ang magbibigay sa ‘yo ng kakaibang saya at malaking halaga. Sa lovelife ngitian ang kasuyo upang agad mapapawi ang kanyang mga problema. Markahan ang 2, 16, 25, 28, 38 at 43. Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Sa pagdedesisyon, wag ng magpatumpik-tumpik pa, magpasya na agad. Sa ganyang paraan mas madali ka ring magkakapera. Sa lovelife, markahan na ang kalendaryo ang petsa ng binabalak na paga-outing at pagswi-swimming ngayong tag-araw. Markahan ang 6, 18, 27, 33, 44 at 47. Violet at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Upang pumasok ang maraming pera, tandaang bawal magalit. Sa lovelife, sa pagiging mahinahon mananatli ang isang maunlad at masarap na relasyon. Tandaang “love at sex” ang susi upang magtagumpay at lumigaya ang isang Taurus. Markahan ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Pink at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Magtiwala sa kaibigang Libra, sa pamamagitan nya titiba kayo ng malaking halaga. Sa lovelife, wag paghinalaaan ng hindi maganda ang kasuyo, upang magtuloy-tuloy ang isang masaya at pang habang buhay na relasyon. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Gray at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Hindi dapat kainipan ang suwerte. Kasabay ng tumitinding init ng tag-araw, papasok ang magagandang kapalarang may kaunayan sa salapi at materyal na bagay. Sa lovelife, inip ng naghihintay ang isang Scorpio pagbigyan mo na siya. Markahan ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48. Green at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Ito ang araw upang ikaw ay tumulong. Habang tumutulong lalo namang lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na magpunta sa mga lugar na malapit sa nature, doon parehong mare-recharge ang iyong enerhiya na sasagap na mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 4, 10, 29, 34, 42 at 48. Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Tulad ng dati hindi mo napapansin, madalas kang magka-pera pero madali namang maubos. Magtipid! Sa lovelife, may tampuhan upang muling magkabati at lalong iinit ang romansa. Markahan ang 5, 9, 27, 33, 42, at 48. Lilac at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Iwasang maging pusong mamon, mas mainam na ang maging pusong bato lalo na ang pagdedesisyunan ay mag kaugnayan sa salapi at materyal na bagay. Sa lovelife, wag basta-basta magtampo sa kasuyo alalahanin mong pang habang buhay na relasyon ang nakataya. Markahan ang 3, 21, 24, 30, 35, at 49. Lilac at white
ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Patuloy na lalago ang iyong kabuhayan, pero dapat na ito ay ilihim mo lang sa iba, upang lalo pang lumago at dumami ang iyong pera. Sa lovelife tuloy ang masarap at kakaibang romansa. Markahan ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong. Naramdaman nya kasi na marami kang pera. Imbis na magpautang, magbigay na lang ng konting halaga, alalahanin mong matapos mangutang ang mga tao, pahirapan na ang paniningil nito. Sa lovelife, ngayon pa lang paghandaan na ang pagsi-swimming kasama ang mga mahal mo sa buhay. Markahan ang 3, 18, 27, 29, 31, at 43. Green at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Hangga’t kaya pa, magpasensiya at magtiis. Sa pinansiyal, tiis-tiis lang muna, uunlad at yayaman din kayo pagdating ng araw! Sa lovelife, hindi dapat pagsungitan ang kasuyo upang magkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili at ng muling uminit ang inyong relasyon. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 41 at 47. Green at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- May sopresang naghihitay! Muli kayong magkikita ng isang dati ng minahal, nagaapoy na romansahan ang kasunod. Sa pinansiyal, mas higit sa iyong inaasahan ang darating na bultong halaga ng salapi. Markahan ang 4, 19, 22, 28, 34, at 42. Pink at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa pagtulong sa mga nangangailangan mas maraming biyaya ang nakalaan. Sa nalalapit na Mahal na Araw lihim kang dumalaw sa mga charitable institutions na paborito mong puntahan at magbigay ng konting tulong. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng kapalaran. Markahan ang 7, 11, 27, 34, 43 at 47. Magenta at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending