Horoscope, March 06, 2020 | Bandera

Horoscope, March 06, 2020

Madam Sophia |March 06,2020
facebook
share this

Horoscope, March 06, 2020

Madam Sophia - March 06, 2020 - 12:46 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kahit may malaking gastusin, maglaan ng salapi para sa pag-iipon. Isipin mo, baka ang mangyari ay masaya ka nga ubos naman ang iyong pera. Sa lovelife kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “green or red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Markahan ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Panatiliin ang pagiging humble upang lalo pang magdagdagan ang income. Sa lovelife, habang umiinit ang panahon, painit din nang painit ang romansa at pagmamahalan. Markahan ang 9, 18, 27, 38, 40 at 45. Red at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Magpasalamat ka sa mga taong tumutulong sa iyo! Panahon na upang abutan ng kaunting halaga ang mga ito o kaya’y regalo. Sa ganyang paraan tuloy ang dating sa iyo ng biyaya at magagandang kapalaran. Sa lovelife, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Markahan ang 1, 18, 26, 34, 40 at 45. Pink at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Sa negosyo, umpisahan na ang mga naiisip na kalakal dahil sa panahong ito ng tag-araw, tuloy-tuloy na ang iyong pag-asenso. Sa lovelife, paghandaan ngayon pa lang ang paglalakbay sa mga lugar na malapit sa nature at pagsu-swimming sa beach. Markahan ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Yellow at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Now na, kumilos ka na agad! Sa lovelife, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Markahan ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Itinakda ng langit na mataas lagi ang mapapasa iyo. Kaya hindi ka dapat mangarap ng mababa. Mangarap ka na ngayon ng mataas upang ang malalaki at matataas na suwerte ay magsisimula ng dumating sa iyo ngayon at sa susunod pang mga taon. Markahan ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Bilisan ang pag-iipon ng pera at bilisan mo rin na matapos na agad ang mga gawain upang may bagong dagdag na oportunidad na dumating. Sa lovelife, kapag nag-init ang kasuyu, sunggaban agad. Markahan ang 5, 18, 25, 34, 40 at 49. Green at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sa iyo, sa kanila ka humuhugot ng saya at lakas. Sa lovelife, pasalubungan ng mamahaling cake ang kasuyo upang matuwa naman siya sa iyo. Markahan ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Blue at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Kahit maraming mga biyayang dumarating wag na wag mong kalilimutan ang pag-iipon ang sure na paraan patungo sa masaganang kinabukasan. Sa lovelife, tuloy ang masaya at matamis na relasyon habang parang tuta na sunod pa rin sa iyo ng sunod ang kasuyo. Markahan ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Green at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Upang mas madaling pumasok ang suwerte, paliwanagin ang buong paligid. Lagyan ng ilaw ang mga bahagi ng bahay na madilim. Sa lovelife, lalong sasarap ang romansa kung gagamit ng ilaw na kulay pula. Markahan ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Bukod sa pula mapalad ang violet.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Iwaksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa lovelife, hayaang ang estilo ng kasuyo ang matupad. Markahan ang 4, 14, 17, 29, 33, at 42. Blue at brown ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Panatiliin ang pagiging palangiti at masaya. Sa lovelife, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo. Markahan ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Sabihin lagi sa sariling: “Hahalakhak ako sa daigdig. Ako’y magwawagi. Ako’y mananaig!” Red at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Mabilis talagang maubos ang pera kaya konting tipid muna, at bago gumastos, unahin mo na ang pag-iipon! Sa love life, matamlay ang kasuyo, abutan siya ng malaking halaga ng salapi upang siya ay sumaya at sumigla. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Gold at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending