KUNG isang malaking hamon para sa mga magulang ang pagdidisiplina at pagpapalaki sa kanilang mga anak upang maging mabuting mga mamamayan, paano naman ang kinakaharap ng magulang na mga OFW na malayo at hindi kasama ang kanilang mga anak sa araw-araw? Sabagay, Malaya namang nagagawa ngayon ng maraming mga kabataan ang bawat naisin nila sa kabila ng mga disiplina at paghihigpit na ipinatutupad ng kanilang mga magulang.
Napakalaking impluwensiya ng modern technology lalo pa’t mulat na mulat ang mga bata ngayon sa paggamit ng makabagong mga gadget at aktibo pa sa iba’t ibang platforms ng social media.
Sa katatapos na dedication program o pag-aalay ng pinakabago at pinakamalaking Kingdom Hall sa Pasig City (ito ang katawagan sa lugar ng pagsamba) ng mga Jehovah’s Witnesses, na dinaluhan nina Denton Hopkinson mula sa Watchtower Philippines, Pasig Rep. Roman Romulo at mga lokal pang opisyal ng lungsod, sumentro sa pagsusulong ng kabutihang asal at pagsasanay sa mga anak ang naging tema ng mini-presscon na ginanap doon kasama ng ilang mga kinatawan ng media.
Si Cong. Romulo, chairperson ng komite ng Basic Education and Culture sa Kamara, ang nagsulong ng GMRC bill o ang Good Manners and Right Conduct bill na aprubado na sa Kongreso. Pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay upang tuluyan na itong maging batas.
Ayon kay Romulo, kinikilala at pinapupurihan niya ang ginagawang pagbabahay-bahay ng mga Jehovah’s Witnesses hinggil sa pagtuturo nila ng kabutihang asal at kung paano magkaroon at mapanatili ang mataas na moralidad ng kanilang mga mamamayan.
Dagdag pa ni Romulo, napakalaking tulong sa komunidad ang ginagawa ng mga JWs at itinuturing niyang katuwang sila sa pagsusulong at pagbabalik ng mabuting asal lalo na sa mga kabataan. Binanggit din niya ang praktikal na tulong ng mga JWs sa panahon ng mga disaster, kung saan araw-araw silang nakakadalaw sa mga tao. At napakalaking bagay iyon para sa mga opisyal ng pamahalaan na makatuwang nila.
Kaya napapanahon nang maisabatas ang GMRC bill na hinihintay na lamang ni Romulo at mga kasamahang mambabatas upang agad maipatupad ito.
Samantala, ayon naman kay Denton Hopkinson, ang mga kingdom hall ng mga Jehovah’s Witnesses sa buong daigdig ay naitatayo sa pamamagitan ng boluntaryong tulong ng mga miyembro nito, walang ibang organisasyon na nagpopondo at nilalapitan nila upang maitayo ang kanilang lugar ng pagsamba at ang mga nakikibahagi naman sa construction ay mga volunteers at walang bayad na nagseserbisyo at nagbibigay ng kanilang panahon nang dahil sa kanilang pag-ibig sa kanilang mga kapwa kapatid at mga tao na maaaring maimbitahang dumalo sa kanilang mga pagpupulong.
Dumalo rin sa naturang okasyon sina City Councilors Junjun Concepcion, Bing Avis at Rhichie Brown kasama si Chairman Rey de Jesus ng Barangay Caniogan.
Ayon kay Nefee Castiyo ng Sakto News, may apat na pulong sa wikang Tagalog, isang Hiligaynon (Ilonggo) at isa naman sa wikang Iloko. Nasa Brgy. Maybunga naman ang para sa mga Cebuano. Libre ang mga sesyon at imbitado ang sinumang interesadong dumalo.
***
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM at napapanood sa Inquirer Television (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com
Batang may takot sa Diyos, mayroon pa ba?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...