Hinalay ng kaibigan ni mister

GANDANG araw Ate Beth,
Ako po si Aquarius girl ng Bago City. May problema po kasi ako. May anak ako sa labas na hindi alam ng mister ko.
Hinalay kasi ako ng kaibigan niya na dati ay sa bahay namin natutulog. Ano po ba ang gagawin ko kasi malaki na ang bata at maga-apat na taon na siya? Tapos ang ama ay hindi man lamang nagbibigay ng suporta sa bata.
Ano ba ang dapat kong gawin?Aquarius girlDear Aquarius girl,Masalimuot ang buhay mo, ateng! Hindi ko maintindihan kung saang lakas ng loob ka humuhugot para tiisin ang pang-aabusong ginawa sa iyo ng kaibigan ng mister mo, kung paano mo naitatago ang katotohanan na ang anak mo ay hindi anak ng iyong mister.
Neng, apat na taon na ‘yang bata, baka naman gusto mo nang ipaalam sa asawa mo ang ginawang panghahalay sa iyo ng kanyang kaibigan? Ano, natatakot ka na hindi ka niya paniwalaan at maaaring baliktarin ka pa ng mister mo?
Natura,l sa una ay maaaring magulat siya at magtanong, posibleng magduda pa siya sa iyo dahil nga kung bakit napatagal mo nang ganyang kahabang panahon ang hindi pagtatapat sa kanya.
Siguro naman kilala ka ng asawa mo kung ano’ng klase kang babae. So sabihin mo sa kanya ang lahat ng nangyari. Lahat-lahat, wala kang ililihim o walang ibabawas o idadagdag sa istoryang nangyari sa iyo.
Yun nga lang kailangang maging handa ka sa anumang magiging resulta. At ang resulta ay maaaring matanggap niya ang lahat. Maaring maguluhan siya sa una, magalit, magduda, at saka matanggap ang nangyari sa inyo pero ‘yung makalimutan ay maaaring matagalan.
Pwede rin naman hindi niya talaga matanggap at masira ang pagsasama ninyo.
Sa kabilang banda dahil lumalaki ang bata ay hindi mo naman pwedeng itago habambuhay iyan, kailangan mo nang aminin.
Isa pa, huwag ka nang umasa pa sa ama ng bata kung wala ka rin namang balak makipagrelasyon sa kanya. Tutal nabuhay mo na ng apat na taon ‘yung bata, panindigan mo na!
Pwede kang humingi ng legal na opinyon sa abogado para alam mo paano bibigyang proteksyon ang sarili mo at ‘yung bata.

Read more...