Pagratrat kay Kim Chiu tututukan ng pulisya

ISANG task force ang binuo ng Quezon City Police District upang tutukan ang kaso ng pamamaril sa sasakyan ng aktres na si Kim Chiu.

Ang Special Investigation Task Group Chiu ay pamumunuan nina QCPD Deputy District Director for Operations Col. Enrico Vargas at Lt. Col. Lucio Simangan Jr. Ang team ay mayroong walong miyembro.

Target ng grupo na matukoy ang dalawang taong namaril sa sasakyan ni Chiu habang nakahinto ito sa Katipunan Ave., Brgy. UP Campus, noong Miyerkules ng umaga.

Hinahanap na umano ng pulisya ang kuha ng mga CCTV sa lugar na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Nanawagan din ang pulisya sa mga sasakyan na mayroong dash cam at maaaring nakuhanan ang pangyayari.

Read more...