Proud na proud na ibinandera ni Ai Ai delas Alas ang topless photo ng kanyang asawa sa social media.
Hunk na hunk na kasi ang katawan ngayon ni Gerald Sibayan makalipas ang ilang buwang pagwo-workout at proper diet.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapuso comedienne ang nakahubad na litrato ng asawa kung saan makikita ang napakalaking pagbabago sa kanyang katawan. Ibinalita rin ni Ai Ai na may endorsement na rin si Gerald dahil sa kanyang pagpapapayat.
“Iba din lakas ng asawa ko .. lakas makadaya sa abs hahaha chika lang (1st endorsement) sana madami pa sumunod,” caption ng komedyana sa photo ng kanyang mister.
Ayon pa kay Ai Ai mula sa 240 lbs, 178 lbs na lang ngayon si Gerald at very soon ay mari-reach na nito ang target weight na 165 lbs.