Ivana sa relasyon nila ni Dan Fernandez: Ayoko ng babaero

DAN FERNANDEZ AT IVANA ALAWI

Inamim ni Ivana Alawi ang tunay na relasyon nila ng actor-politician na si Dan Fernandez.

Matapos kumalat ang ilang litrato nila together sa social media at palabasing meron silang relasyon, maraming netizens ang nangnega sa sexy actress.

Kung anu-ano nang masasamit at mahahalay na salita ang ibinato nila kay Ivana dahil umano sa bawal na relasyon nila ng 54-year old actor-politician.

Mas uminit pa ang issue kina Ivana at Dan nang lumabas ang chika na nag-celebrate ng kanyang birthday ang aktres sa Amerika noong 2018 kung saan naroon din ang aktor. Ayon sa netizens, isa itong patunay na may something nga ang dalawa.

Narito ang pahayag ni Ivana sa isang panayam nang matanong tungkol kay Dan, “No, we’re friends. Yes, I won’t deny it, we go out with friends.

“Pero we’re not romantically involved. No! Kasi babaero siya, ayoko ng babaero. Ha-hahaha! Please, wag na. Ayoko ng ganu’n, gusto ko ‘yung mamahalin ako. Stick to one,” sey pa ni Ivana.

Single raw ngayon si Ivana at waiting sa kanyang Mr. Right.

Read more...