PATAY ang isang lalaki at sugatan ang dalawa niyang kasama, nang sumalpok ang sinakyan nilang motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Balaoan, La Union, Huwebes ng madaling-araw.
Dead on arrival sa ospital ang driver ng motor na si Felix Estabillo, 33, isang security guard, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.
Dinala din sa pagamutan ang mga angkas niyang sina Rene Cabida, 22, at Fernando de Guzman Jr., 39.
Naganap ang insidente sa bahagi ng Marcos Highway na sakop ng Brgy. Almeida, dakong alas-12:30.
Minamaneho ni Estabillo ang motor pa-hilaga, nang bigla itong sumalpok sa poste ng kuryente sa road shoulder, ayon sa ulat
MOST READ
LATEST STORIES