P6M relo ni Heart pinag-initan ng netizens, ikinumpara kay Imelda

MARAMI pala ang naimbiyerna nang masulat ang nakalululang halaga ng relo ni Heart Evangelista.

Tumataginting na six million pesos ang price ng luxury timepiece na suot ni Heart sa dalawang Instagram photo niya.

Doon ay nag-react negatively ang netizens at pinatutsadahan ang actress-TV host sa social media.

“Sana nga wag kayong ma kidnap sa kayabangan mo. sana bigyan mo rin ng relos na mamahalin ang aso ninyo, para lalong sumikat!”

“Nagpapasikat ha mas sisikat ka kung pamigay mo na lang yang 6million sa mga mahihirap.”

“Dapat pa bang ibalita yan? mayaman cya kaya nya bilhin ang gusto but pls stop it be humble dameng nagugutom nating kababayan po.”

“Ang daming nagugutom sa Pilipinas. Bakit d mo ipakain pera mo sa mga nagugutom. Ginagaya mo si Imelda Marcos.”

“Kailangan pa bang ipangalandakan yang relo na yan. kung sinasabi mo sa asawa mo na i donate na lang sa mga hospital ung halaga ng relo baka manalo pa yan sa susunod na election.”

Read more...