Horoscope, March 5, 2020 | Bandera

Horoscope, March 5, 2020

Madam Sophia |March 05,2020
facebook
share this

Horoscope, March 5, 2020

Madam Sophia - March 05, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isang maikli ang buhok na cute ang magbibigay sa’yo ng suwerte. Sa lovelife siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sa iyo upang malutas mo ang lahat ng iyong mga sulirainin at problema sa buhay. Markahan ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. White at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sa’yong business site. Sa lovelife, regaluhan ang kasuyo ng lovebirds. Markahan ang 6, 15, 23, 26, at 43. Navy blue at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- SA pinansyal, ngayon mo maiisip na mahalaga pala ang may ipon. Hindi pa huli ang lahat, magipon ka kahit maliit na halaga, bandang huli dadami rin yan. Sa lovelife,, isang kasamahan sa trabaho ang unti-unti ng nagkakagusto sa ‘yo. Markahan ang 3, 15, 30, 39, 45 at 49. Pink at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Subukang makipag-sapalaran sa ibayong dagat. Sa pag-aabroad, dalawang bagay ang makakamit, tagumpay na may kaugnayan sa materyal na bagay at masarap at nakakikilig na pag-ibig. Markahan ang 5, 17, 23, 31, 40 at 49. Beige at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Panahon na upang isulat ang mga magagandang bagay na laman ng iyong isipan at gumawa ka ng libro. Sa pagawa ng libro, mas magiging maligaya at kikita ka ng malaking halaga. Markahan ang 7, 11, 29, 34, 41 at 49. Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Inuutusan ka ng langit na sa panahong ito ng tag-init, tanggap lang ng tanggap sa mga magagandang oportunidad na dumarating. Sa lovelife, samantalahin ang napakasarap na relasyon bago tuluyang mapugto at lumipas ang lahat Markahan ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Red at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Seryosohin ang paghahanap buhay at pag-iipon ng pera, sa edad mong 41pataas makikita mo yayaman ka na. Sa lovelife, hanggat hindi mo ibinibigay ang 100% na pagmamahal hindi ka magiging maligaya. Markahan ang 4, 9, 25, 22, 40 at 46. Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Wag hayaang maging chubby, sa sandaling tumaba ka ng husto, maaaring palitan ka ng kasuyong Aquarius. Panatiliin ang pagiging sexy, sa unang oras sa umaga piliting makapag- jogging. Markahan ang 6, 18, 27, 39, 42 at 43. Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo, upang umunlad. Sa lovelife, isa isantabi mo na ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga. Markahan ang 1, 14, 19, 40 at 45. Emerald green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Kakaibang pag-ibig ang mararanasan! May sarap at kakaibang kilig. Sa pinansiyal, mabilis na aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi. Mapalad ang 1, 13, 28, 36, 42, at 49. Maroon at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Upang lalo pang yumaman, simulan ang produktong may kaugnayan sa agrikultura at pagkain. Sa lovelife, suwerteng kapartner at kasosyo sa negosyo silang isinilang sa petsang 5, 14, at 23. Mapalad ang 4, 12, 15, 26, 36, at 45. Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Sa pagsusungit walang biyayang makakamit. Panatiliin ang pagiging mabait. Habang nagpapakabuti lalong uunlad ang kabuhayan. Sa lovelife,, wag madamot, ipadama sa kasuyo ang wagas, ang masarap at ang nakababaliw na romansa at pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Umiwas sa mga balasubas at manunuba, wag ipautang ang salapi kung kani-kanino, upang hindi ka magsisi sa bandang huli. Sa lovelife, sa isang kayumangging nilalang muling titibok ang puso at mamakaramdam ng masarap na romansa. Markahan ang 2, 7, 19, 28, 27, at 39. Orange at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending