Ian Veneracion tanggap ang pagiging tomboy ng nag-iisang anak na babae

IAN VENERACION AT ANAK NA SI DIDS

FOR the first time, proud na ipinakilala ni Ian Veneracion ang kanyang anak na si Dids sa madlang pipol – ang kanyang anak na lesbian.

Trending ngayon sa social media ang pangalan ni Ian matapos mag-guest sa episode kanina ng Kapamilya morning show na Magandang Buhay.

Pinuri ng publiko, partikular na ng LGBTQ community ang aktor dahil sa buong pusong pagtanggap sa pagiging tomboy ng kanyang nag-iisang anak na babae. Umamin si Dids sa kanyang ama tungkol sa kanyang gender preference noong 16 years old siya.

Nagulat pa nga raw si Dids na tinanggap agad siya ng ama and no questions asked.

“Kinukulit ko yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary-eyed. Sabi niya, ‘Daddy, I have to tell you something.’

“Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Me also, I like girls.’

“So, parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’ Sabi ko, ‘Yes. Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’

“Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be, and I have full support.’ Natawa siya. Sabi niya, ‘You know?’

“Sabi ko, ‘Oo naman, bata ka pa, ang macho mo na.’ So, alam ko na dati,” pahayag ni Ian.

“Natawa siya. Sabi niya, ‘You know?’ Sabi ko, ‘Oo naman, bata ka pa ang macho mo na.’ So alam ko na dati,” ani Ian.

“Nakakapanghinayang lang isa lang ang buhay natin. Tapos kapag nabuhay ka parang apologetic ka pa na nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. Parang what a waste of life,” dagdag pa niya.

Tanggap din daw ng misis niya ang pagiging tibo ng kanilang anak, “Eventually sinabi ko sa kanya (sa asawa). Sabi ko sa kanya, ‘Paano kapag nagka-boyfriend si Dids, okay lang?’ ‘Okay lang.’ ‘Paano kung magka-girlfriend si Dids, okay lang?’ Sabi niya, ‘Kung saan siya masaya, masaya ako.’ So she has full support of the whole family,” pahayag pa ng aktor.

Read more...