Enchong sa politika: Ayokong magulo ang buhay ko, mas ok ang peace of mind

ENCHONG DEE

MARAMING kumukumbinsi sa Kapamilya actor na si Enchong Dee na pasukin na rin ang mundo ng politika.

Mismong si Enchong ang nagsabi na may ilang grupo nang nakipag-usap sa kanya para tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno. Pero feeling ng binata, hindi para sa kanya ang politics.

“Sa totoo lang ayoko talaga. Ang dami ring nagsasabi sa akin na tumakbo. Kasi yung public service pwede mo siyang gawin kahit hindi ka nakaupo e,” pahayag ni Enchong sa isang panayam kamakailan.

Kilala ang aktor sa kanyang katapangan sa pagbibigay ng opinyon sa mga nangyayari sa gobyerno.

Talagang naninindigan siya sa mga national issue, lalo na kapag alam niyang makakasama ito sa madlang pipol. Wala siyang pakialam kahit ma-bash siya nang bonggang-bongga sa social media.

Pero sabi ni Enchong, mas pipiliin pa rin niya ang “peace of mind” kesa pasukin ang magulo at maruming mundo ng politika.

“Tsaka alam naman natin kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng pulitika. So mas okay na rin ako na tahimik ang buhay ko tsaka walang presyo yun e, yung lalabas ka sa bahay mo safe ka walang nakatingin sa iyo o tatarget sa iyo.

“Lagi kong sinasabi, walang presyo yung peace of mind,” depensa pa ng aktor.

Pagpapatuloy pa niya, “Ako naman ang punu’t dulo ko naman, mahal ko lang ang bansa. Gusto ko lahat ng Pilipino mayaman, gusto ko lahat tayo mayaman.

“Yun lang naman ang gusto ko e. And if I can do it in a way na wala ako sa gobyerno, mas okay ako. Yun na lang siguro ang gagawin ko,” sey pa ng binata.

 

Read more...