Sapat na suplay ng tubig tiniyak kay Duterte

SA kabilang ng nararanasang rotating water interruption, tiniyak ni Environment Secretary Roy Cimatu na sapat ang suplay ng tubig ngayong taon.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kabilang ang isyu ng suplay ng tubig sa mga tinalakay sa isinagawang pulong ng Gabinete nitong Lunes.

“Secretary Cimatu presented his recent inspection of the Angat Dam where he looked into the capabilities and limitations of the dam which supplies more than 97% of the total water supply requirement of Metro Manila. Secretary Roy said—or rather assured the President that we will have enough water for the year,” sabi ni Panelo.

Kamakailan, nagbabala ang Maynilad sa mga siniserbisyuhan nito na magpapatupad ng mas mahabang water interruption.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 12 oras ang nararanasang kawalan ng tubig ng mga residente na sakop ng Maynilad.

Read more...