Horoscope, March 4, 2020 | Bandera

Horoscope, March 4, 2020

Madam Sophia |March 04,2020
facebook
share this

Horoscope, March 4, 2020

Madam Sophia - March 04, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang umiinit ang panahon maraming sopresang magaganap. Makipag-sapalaran, may malaking suwerteng matatanggap. Sa lovelife, habang nasa dalampasigan, may darating na isang sopresa at masarap na romansa. Markahan ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Isang kaibigan ang humahanga sayo! Hindi nya matanggap na naunahan mo siyang umasenso. Upang hindi ka kainggitan, wag ka kasing post ng post ng kung ano-anong kayabangan sa Facebook. Sa lovelife, tama na ang pagpapaganda magiging mitsa pa ‘yan upang mahulog ka sa tukso. Markahan ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Panahon na upang ingatan ang kalusugan, wag masyadong matakaw. Iwasang kumain ng ng mga pagkaing hindi makakabuti sa katawan. Sa lovelife, kapag patuloy kang naging chubby baka maghanap ng iba ang kasuyo. Markahan ang 3, 6, 15, 39, 46, at 48. Maroon at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa lovelife, hindi mo dapat asahan ang kasuyong matamlay, ikaw na ang gumawa ng paraan upang lalong uminit ang pagmamahalan. Markahan ang 5, 17, 23, 37, 41, at 47. Blue at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Magwawagi ang katunggali kung pababayaan lang siya! Kumilos ng tiyak at mabilis. Sa lovelife, gamitin ang lahat ng resources ng minamahal upang magtagumpay sa proyekto binabalak. Markahan ang 2, 7, 14, 23, 35, at 48. Silver at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, palabati at masayahing aura ng personalidad, upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife, habang minamahal ang kapwa lalo na iyong mga maliliit at mahihirap, ngayong nalalapit na Semana Santa lalo kang pagpapalain ni Lord. Markahan ang 7, 10, 28, 34, 44, at 49. Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Pasalamatan ang mga biyayang natatanggap! Magbigay ng limos sa mga pulubi upang lalo ka pang suwertehin. Sa lovelife, ang ipinadama mong masarap na halik ay gagantihan ng mas mainit na halik ng kasuyo. Markahan ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Green at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Kakaibang sigla ang madarama may papasok na malaking halaga ng salapi. Panahon na upang mag-bayad sa mga pinagkakautangan. Sa lovelife, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling romomansa. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 42, at 47. Lilac at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Habang nagpapakasipag at patuly na nagiging buo ang loob, tuloy-tuloy din ang pasok ng malaking halaga sa kabang yaman. Sa lovelife, ipaliwanag sa kasuyo na dapat ka niyang sundin, dahil ang totoo mas magaling ka naman talaga sa kanya. Markahan ang 4, 7, 25, 34, 43 at 49. Yellow at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Maging agresibo sa pagta-trabaho, upang mas lalong lumaki ang income. Sa lovelife, dagdagan ng libido ang pakikipag-romansahan sa kasuyo upang kapwa kayo sumigla. Kapag masigla kayong dalawa, sisigla din ang pasok ng pera at materyal na bagay sa iyong kabang-yaman. Markahan ang 2, 13, 26, 35, 39 at 44. Black at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay. Sa lovelife, regaluhan ng mumurahing tablet ang kasuyo. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming pera. Markahan ang 4, 17, 26, 31, 39 at 46. Brown at gray ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Kung hindi mo mahal ang iyong kapareha wag mo siyang iiwan. Pahalagahan ang kasalukuyang relasyon. Sa pagpapahalaga sa kasalukuyang relasyon lalo kang susuwertehin sa lahat ng apseto ng buhay. Markahan ang 2, 16, 25, 34, 41 at 49. Blue at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Ituloy mo lang ang negosyong noon mo pa naiisip. Ito ang tamang panahon upang tuloy-tuloy ka ng umunlad at umasenso. Sa lovelife, itsapuwera muna ang walang kuwetang kasuyo, maghanap ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang Virgo. Markahan ang 3, 15, 21, 33, 42 at 47. Lilac at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending