
IVANA ALAWI
NAG-PRAYER rally ang ilang fan clubs ng Kapamilya stars last Sunday sa labas ng ABS-CBN Compound para ipakita ang matindi nilang suporta sa franchise renewal ng number one network.
Sobrang natuwa ang MayWard fans dahil dumalo ang idol nilang sina Maymay Entrata at Edward Barber. Suot ang pula, asul at berdeng shirts, may hawak na iba’t ibang placards ang fans tulad ng “No To ABS-CBN Shutdown,” “Kapamilya Kami,” and “Family Forever”.
Dumalo sa prayer rally ang fans ni Coco Martin, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, Vice Ganda, Darren Espanto, Elisse Joson, Joshua Garcia, Kim Chiu, Seth Fedelin and Andrea Brillantes.
Nagsindi ng kandila at nag-offer ng prayers ang fan club members para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.
“Nakita namin ang suporta nila kaya sumunod kami, na-touch kami kaya nag-decide kami na samahan sila,” say ni Maymay.
“At the same time that we owe ABS-CBN for what happen to us, what happen to our lives, we also owe the supporters. Thank you,” say ni Edward.
“Ito lang ang libangan ko, eh. Matanda na ako. Naaawa ako sa mga trabahador na matatanggal kung saka-sakali,” say ng isang senior fan.
* * *
Fans of Ivana Alawi were up in arms when Lolit Solis dropped hints that their idol got romantically involved with a married actor-politician.
“Isa ako sa mga nagtataka kay Ivana Alawi. Balitang ang laki ng namana sa turkish o moroccan father niya, ang ganda at ang bata sa edad na 21, pantasya ng bayan, at dahil bagong talent ng ABS Star Magic, mukhang maganda ang future sa showbiz.
“Ano ang ipinagtataka ko? Iyon mga hush hush na matagal na diumano siyang karelasyon ng isang actor politician na may asawa ding artista. Bakit magkakaruon ng relasyon si Ivana sa isang married man na mas matanda sa kanya?
“Sa dami ng nagpapantasya sa kanya at sa laki ng namana niya sa father niyang namatay, ano ang nagustuhan niya sa isang old married man? Well, ito siguro ang magic ng love, ito siguro ang hindi kaya ibigay ng mas batang lalaki kay Ivana, ito siguro iyon sinasabi ni Marjorie Barretto na ‘it was not for the money’ na feeling niya for mayor Echiverri.
“Ito siguro iyon tunay na feeling of love for someone people think is not worth your time, pero pinili mo parin. Bongga ka Ivana, type ko iyan, ipaglaban mo iyon feeling mo. Wow talaga.”
That was Lolit’s caption sa IG photo niya ni Ivana.
With that, fans of Ivana felt that the veteran columnist was cashing in on the actress’ popularity. Ivana kasi is being groomed for a solo teleserye by ABS-CBN and this early, sinisira na raw siya ni Lolit. ‘Yan ang feeling ng fans ni Ivana.
“Tsismosang matanda puro husga wala naman pruweba wag kang mag alala di papansinin ni ivana mga pinagsasabi mo. mag two piece ka daw muna baka mapansin ka nya.”
“Late update ka na naman manay. D gawain ni Ivana yan. Sabi nga nya kahit na pwede nya kunin kahit sino gusto nyang lalaki pero pagdating sa taong may karelasyon di sya papatol.”
“Napaka tsismosa mo. ang tanda tanda mo na! puro ka pamamaratang. dapat sa mga kagaya mo kinukulong.”