Jay-R, GirlTrends member Mica nagpakasal sa Bora

Nagpakasal na rin ang singer na si Jay-R ang at GirlTrends member na si Mica Javier. Naganap ang engrandeng wedding sa Boracay.

Si Mica ay panganay na anak ni Leyte Mayor Sandy Javier, (may-ari ng sikat na isang grilled-chicken food store sa bansa), sa una niyang misis.

Pansin namin, sunud-sunod ang celebrity wedding pagpasok ng 2020. Nauna ang Kapuso stars na sina Megan Young at Mikael Daez (Enero 10 at 25), sumunod nina Juancho Trivino at Joyce Pring (Peb. 9).

Then, ang controversial secret wedding nina Sarah at Matteo (Feb. 20) at ang kasal nina Joanna Ampil at Faust Feneyra (Peb. 20). Three days after sina Sheena Halili at Jeron Manzanero naman ang ikinasal.
Sa Marso 14, ikakasal sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Shangri-La, The Fort, BGC, Taguig City habang inaabangan na rin ngayong taon ang pagpapakasal nina Angel Locsin at Neil Arce.

Going back sa wedding nina Mica at Jay-R, spotted sa mga naglabasang pictures nila sa Boracay ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Hindi lang namin alam how she’s related sa bagong kasal except the fact na nasa Cornerstone management na rin si KC gaya ni Jay-R.

Read more...