Isa si Erik Santos sa mga nakasaksi kung paano ipinaglaban ng kanyang kaibigang si Sarah Geronimo at ni Matteo Guidicelli ang kanilang pagmamahalan.
Si Sarah ang bunso sa grupo ng mga champions kung saan kabilang si Erik at maligaya silang lahat para sa Popstar Royalty dahil sa wakas kasal na sila ng lalaking pinakamamahal niya.
Sa interview ng ABS-CBN, ngayon ay mas lalong naniwala si Erik sa kasabihang “love conquers all.”
“Si Sarah kasi kumbaga sa aming mga Champions, siya ‘yung pinaka-baby namin. Mahal na mahal namin si Sarah.
“Ngayon na nagkatuluyan na sila ni Matteo, we are just so happy na sila ‘yung nag-end up together. Alam ko kung gaano kamahal ni Sarah si Matteo and kung gaano din kamahal ni Matteo si Sarah,” ani Erik.
At kahit daw anong mangyari, promise ng Kapamilya singer, lagi lang siyang nandiyan para sa bagong kasal.
“We’ll always be behind them kung ano man ang pagdaanan nila. Masaya man or malungkot, kaming mga kaibigan nila, parating nasa likod lang nila kung kailangan nila kami,” pahayag pa ng binata.
Ito naman ang maipapayo niya sa kanilang bunso at kay Matteo, “Always put God sa sentro ng kanilang married life. That’s the secret I think.
“Kahit na hindi pa ako kinakasal, I think ‘yun ‘yung pinaka-best weapon sa lahat. And, of course, huwag silang matutulog ng may samaan ng loob,” sabi pa ng singer.
Last Sunday sa ASAP, mangiyak-ngiyak na nag-message ang Popstar Royalty sa lahat ng nag-congratulate sa kanila ni Matteo, “Abot-abot lang po ang pagpapasalamat sa lahat po ng sumusuporta, for your best wishes. Maraming salamat po.”
Ikinasal ang AshMatt last Feb. 20 sa pamamagitan ng isang secret Christian wedding ceremony.
Ngunit ang tahimik at masaya sanang kasalan ay biglang naiskandalo dahil sa pagsugod ni Mommy Divine sa reception na kontrang-kontra umano kay Matteo para sa kanyang anak.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Mommy Divine at Daddy Delfin tungkol sa pagsuway sa kanila ng anak.