PAANO na kung ma-layoff ka sa trabaho mo dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19)?
Lumalawak ang problema natin ngayon dulot nitong COVID-19 dahil sa lumaganap pa ito sa iba’t ibang bansa. At dahil nga rito, kakaunti ang mga turista mula sa China, Korea at Japan ang pumapasok ngayon sa ationg bansa.
Nanganganib ang mga trabaho sa tourism and hospitality service industry gaya ng hotel, restaurant, travel agency, airline, cruise ship, transportation at logistics. This is one of the reasons the Philippine Airlines laid off some 300 employees in non-essential positions dahil nalulugi na raw sila dulot ng travel restrictions imposed on some of its major markets.
Kapag hindi nahinto ang COVID-19 sa pagkalat, maapektuhan din ang iba pang industriya gaya ng garments o wearables, electronics, car and motorcycle parts, microchips.
Kapag nagkaganun, madedelay din ang mga parts and materials na kailangan natin from China dahil sa pagtigil ng production doon. Isasailalim din sa matinding quarantine ang mga materials na ito.
Pero alam nyo ba na pwedeng magpatupad muna ang mga kumpanya ng flexible work arrangement bago humantong sa layoff at retrenchment ng mga manggagawa?
Pwedeng magpatupad muna ng rotation of duty, shortened work at forced leave sa mga employees kapag apektado na ang kumpanya nyo. Isa kasi ang flexible work arrangement na palatandaan na malapit nang magsara ito.
***
Kung kabilang ka sa matsu-tsugi, dapat aprubado ng gobyerno ang dahilan ng pagsasara. Dapat din na bigyan ka ng separation benefits package gaya ng 1 month to 1.5 months equivalent salary per year of service compensation kasama ang 13th month pay month, mid-year bonus at Christmas bonus. Kung nagbibigay ng 14th month pay as bonus, maari din ihirit ito na isama sa package. Ito yung mga minimum na requirements in giving separatrion benefits.
Maari din na isama ang sahod sa natitirang buwan ng taon at i-convert sa cash ang mga unused leave credits na naipon for the year.
It’s difficult to argue if the reason for retrenchment or layoff is found legitimate. All you have to do to negotiate and haggle with the company for better separation compensation. Kung may union kayo, mas maganda magnegotiate ng separation benefits mula sa kumpanya.
***
Para sa komento o tanong, mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com o mag-text sa 09989558253.
Layoff sa trabaho dahil sa COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...