NALUNOD ang 27-anyos na seaman nang mag-swimming sa bahagi ng Magat River na sakop ng Cabatuan, Isabela, Linggo ng gabi.
Itinakbo pa sa ospital si Gian Andres matapos makuha ng mga rescuer sa tubig, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-7:20, sa bahagi ng ilog na nasa Brgy. Sampaloc.
Sadyang nagtungo si Andres at kanyang mga kaibigan doon para mag-picnic at mag-inuman, ayon sa ulat.
Sa gitna nito’y nagpasyang mag-swimming si Andres sa gilid ng ilog, pero di naglao’y hindi na nakitang buhay ng mga kaibigan, ayon sa pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES