Patay sa Cavite amok, umakyat‪ ‬na sa 5

UMABOT na sa lima ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa pamamaril ng nag-amok na dating sundalo, sa General Trias City, Cavite, nitong Linggo.

Binawian ng buhay sina Alberto Sorio, 57, isang retiradong kawal; Recto Marbit, 47, tricycle driver; at Pilar Bacaoco, 34, habang nilulunasan sa ospital, ayon sa ulat na inilabas ng city police Linggo ng gabi.

Unang nasawi ang biktima ring si Murharma Bautista, 59.

Kasunod nito’y binaril at nasugatan ng suspek na si Junny Palacio, isa ding retiradong sundalo, sina Sorio, Marbit, at Bacaoco.

Binaril at nasugatan din ni Palacio ang dalawa sa mga rumspondeng pulis, bago siya nagbaril sa ulo at namatay.

Una nang inihayag ng pulisya na bago ang insidente’y nakita si Palacio na may dalang kalibre-.38 revolver at hinahanap ang anim kataong nanira diumano sa kanyang pagiging contractor ng mga construction project.

Kabilang sina Bautista, Sorio, Marbit, at Bacaoco sa anim na taong hinanap ni Palacio, ayon sa pulisya.

Hindi na niya natagpuan ang dalawa pa bago niya nakasalubong ang mga rumespondeng pulis.

Read more...