8 rehiyon apektado na ng ASF-DA

SINABI ng isang opisyal sa pagdinig ng Senado na umabot na sa 234,000 baboy ang pinatay sa walong rehiyon sa bansa dahil sa African swine fever (ASF).

“The hogs were either infected with ASF or exposed to the virus,” sabi  ni Dr. Ronnie Domingo, director ng Bureau of Animal Industry  (BAI) sa isinagawang imbestigasyon ng Senate committee on agriculture and food.

Hindi naman binanggit ni Domingo ang walong rehiyon, bagamat nangakong isusumite sa panel ang listahan ng mga apektadong lugar sa buong bansa.

Idinagdag ni Domingo na kabilang sa mga apektado ng ASF ang 142 munisipalidad sa 19 na lalawigan.

“Ito pong sakit na ito infectious po s’ya at normal po sa isang sakit na infectious. Para po syang wave,” dagdag ni Domingo.

“At ito po ay dala po noong nagkaroon po tayo ng holidays. Nag-uwian ang ating mga kababayan po natin sa iba’t-ibang probinsya baka po may mga pasalubong po sila na karne, processed meat na contaminado po ng virus at ito po ang nag-cause po ng panibagong (wave),” sabi pa ni Domingo. 

Read more...