TINUTUKAN namin ang phone interview kay Jay Sonza over a radio station. Nagkataong DDS din pala ang male anchor on board na mas maraming hanash sa ABS-CBN kesa kay Jay who had a 10-year stint with the network.
Huwag sana muna kaming ipagkamaling maka-Jay o anti-ABS-CBN franchise renewal, pero ang partikular na panayam na ‘yon ay nagbukas ng maraming rebelasyon which the public may not be privy to.
In fairness to the guy, ipinahayag niya ‘yon na ang pinaghuhugutan ay ang mga umano’y kalakaran sa istasyon na hindi na niya masikmura, hence his resignation na umabot sa korte at sa bandang huli’y napanagumpayan niya.
While Jay was cool, calm and collected ay buwisit kami sa nag-iinterbyu sa kanya na akala mo ay directly affected o nakaka-identify kay Jay unless he used to work as an ABS-CBN talent.
A case in point ng pagiging marespeto pa rin ni Jay (so much unlike sa himig niya when he takes his piece to social media) ay nang patungkulan niya si Boy Abunda.
“Eto, kaibigan ko si Boy Abunda, nagpa-survey siya tungkol sa shutdown ng ABS-CBN. Seventy two percent ang pabor.” Whether tama o hindi ang statistics, Jay never spoke ill of the poll initiator.
Ganu’n din kina Vice Ganda at Coco Martin who he respects kung ang loyalty ng mga ito ay sa kanilang pinaglilingkurang network, “Ang sabi ko sa kanila, ngayon lang ‘yan dahil sikat kayo. Pero kapag wala na kayong pakinabang, hindi na nila kayo kailangan.”
Kung tutuusin, marami pang pasabog si Jay na totally unrelated na sa main issue, kundi mga umano’y unfair labor practice sa mga empleyado’t kawani nito in the past.
Maging ang ABS-CBN Foundation ay ibinuko niya rin, kung saan ang mga donasyon dito umano ay hindi siyento porsyentong napupunta sa dapat nitong paglaanan?
It occurred to us—habang pinanonood namin ‘yon with more than 40 minutes ang running time—ang malaking kaibahan ng Jay Sonza sa himpapawid from the Jay Sonza in social media.
Mas kaaya-aya kasi siyang panoorin o pakinggan kesa basahin through his posts. Understandably so, dahil wala namang boses ang post para masukat ang emosyon.
Sayang nga lang para sa ilang maka-Jay dahil tuluyan na raw niyang tinalikuran ang kanyang trabaho bilang isang mamamahayag, as he finds joy in tending his farm and living a simple life.
“Kapag tinatanong kung ‘DDS’ ako, sinasabi ko, oo! Taga-Davao del Sur kasi ako, so DDS.”
We missed the old Jay Sonza mula pa noong masilayan namin siya sa Mel & Jay sa ABS-CBN until he moved in to GMA. Malakas ang kanyang sense of humor, kaiba sa stance niya sa socmed slightly unbecoming of a respected broadcast journalist.
Now retired, Jay relishes his friendship with former colleagues, isa na rito si Mike Enriquez who he holds in his esteem.
Pati tuloy ang bulul-bululan at pag-ubo ni Sir Mike na bahagi lang pala ng image repackaging nito’y nalaman namin, his oral proficiency in English notwithstanding.
Na-handle pa sana nang mas maayos ang interbyu sa kanya, Jay Sonza could have projected a more pleasant image.