Rocco napaiyak nang matapos ang ipinagawang mansiyon sa Antipolo

JASMINE CURTIS AT ROCCO NACINO

FINALLY, natapos na ang mansiyon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Antipolo City.

Siyam na taong pinag-ipunan ng binata ang kanyang dream house at balak na niyang lumipat doon sa mismong birthday niya sa March 21.

Ayon kay Rocco, hindi niya napigilan ang maiyak nang makita ang bunga ng kanyang pinaghirapan, “Oo, iyak. Iyak ako. It’s nine years of hard work, talagang labor talaga, hindi siya ‘yung pa-easy-easy na pera. Puyat, dugo, pawis talaga.”

Nakachika namin ang aktor kasama ang ilang members ng entertainment press kamakailan para sa promo ng Kapuso primetime series na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) with his leading lady Jasmine Curtis.

Sabi pa ni Rocco, ang sarap sa pakiramdam na matupad ang isang pangarap na pinagpaguran at pinagsikapang abutin.

At ngayong tapos na ang kanyang dream house, susunod na ba ang pagpapakasal nila ng kanyang girlfriend na si Melissa Gohing, sagot ni Rocco, “Parang matinding ipunan din ‘yun. Let’s see.

Sabi ko nga mangyayari at mangyayari yan, in God’s perfect time. Ang mahalaga ngayon yung mas matatag na foundation ng relationship namin.”

Samantala, asahan ang mas matitindi pang pasabog at pakilig nina Rocco at Jasmine at nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa Descendants of the Sun sa GMA Telebabad sa bago nitong timeslot after 24 Oras.

* * *

Read more...