Kanta ni Kristoffer may aral para sa mga sawi

May bagong handog ang GMA Music para sa mga hopeless romantic sa second single ng Kapuso heartthrob na si Kristoffer Martin na pinamagatang “Lagi Na Lang.”

Isinulat ni Mark Atienza, inilalarawan ng kanta ang pait at tamis na hatid ng pagmo-move on mula sa isang heartbreak.

Ayon kay Kristoffer, gusto niya na may mapulot na aral ang fans mula sa single, “Kailangan ninyo ring mag-move on at ‘yun ang gagamitin mong inspiration para mas maging better kang tao. Lahat naman tayo kapag nadadapa, nagdedesisyon na bumangon at mag-improve.”

Mapapakinggan na ang “Lagi Na Lang” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at sa iba pang digital platforms worldwide.

Read more...