Ethel ipinakilala sa madlang pipol ang baby: My Little Booba!

For the first time, ibinahagi ng komedyanang si Ethel Booba ang video ng kanyang bagong panganak na sanggol.

Nag-post sa Twitter si Ethel ng short video kung saan makikita ang panganay na si Baby Michaela habang natutulog at ngumingiti na tila nilalaro ng kanyang guardian angel.

Caption ni Ethel sa video, “Hello daw sa inyo sabi ni Baby Michaela, my little Booba.”

Nanganak ang stand up comedienne nitong nakaraang Valentine’s Day sa unang baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

Ibinalita ni Ethel sa madlang pipol ang kanyang pagbubuntis matapos manalo sa Tawag Ng Tanghalan ng Showtime last year. Aniya sa caption, “Double celebration, double congratulations to me.”

Read more...