Horoscope, Mar. 2, 2020 | Bandera

Horoscope, Mar. 2, 2020

Madam Sophia |March 02,2020
facebook
share this

Horoscope, Mar. 2, 2020

Madam Sophia - March 02, 2020 - 12:12 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kumapit ka sa mga taong may strong number tulad nilang isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26, sila ang tutulong sa iyo upag ikaw ay umunlad at yumaman. Sa lovelife kailangang palakasin ang katawan, upang makarami sa minamahal. Markahan ang 1, 7, 19, 39, 40 at 48. Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Iwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan. Mas madali kang uunlad at yayaman kung matututo kang magsinop ng kabuhayan. Sa lovelife, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na pa lang naiipon. Markahan ang 3, 15, 28, 31, 33 at 43. Yellow at apple green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Ituloy mo ang nakagawiang pagtulong sa kapwa at pagiging mabuting tao. Nanonood sa iyo ang langit, kaya naman sa susunod na mga araw, gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran. Sa lovelife, masarap pa ring kasama ang isang Virgo kung ikukumpara sa isang Capricorn na walang kabuhay-buhay. Markahan ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Sa panahong ito ng tag-araw, isang kaibigan ang magbibigay sa iyo ng suwerte at saya. Ito ay indikasyong sa buong buwang ito ng Marso magandang kapalaran ang darating sa iyo lalo na sa lovelife at pera. Markahan ang 5, 14, 27, 34, 38 at 42. Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Gawing inspirasyon ang mga taong malapit sa iyong puso upang mas madali kang yumaman. Sa lovelife regaluhan ang kasuyo ng isang bagay na bilog, kulay puti, at may sabaw na hinihigop upang lumakas ang kanyang tuhod. Markahan ang 7, 16, 27, 34, 42 at 48. Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Ito ang panahong dapat kang maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa lovelife, ganyan talaga ang damdamin, lumilipas, pero ang pagmamahal sa pamilya ay dapat na panatiliin, dahil ito ang pundasyon ng maligayang pagtanda at pagkakaroon ng seguridad na pang habang buhay. Markahan ang 4, 13, 28, 36 42 at 47. Beige at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Wag makisawsaw sa iba, sa halip ang sarili mong mundo ang atupagin mo. Ngayon na ang panahon upang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa lovelife, hindi dapat mainggit, maaari mo ring paligayahin ang sarili kapag marami ka ng pera. Markahan ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Gray at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Sa pinansiyal, wag ng hintayin pang lumaki ang tubo ng Bombay at sa mga credit card magbayad na agad. Sa lovelife, batiin na ang kasuyong mayabang upang uminit muli ang inyong relasyon. Markahan ang 6, 18, 27, 31, 43 at 45. Maroon at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Habang patuloy na sumusunod sa iyo ang kasuyo, magiging maligaya ang love life. Sa pinansyal, habang malakas ang kita, mag ipon na sa ngayon, dahil kapag humina ang kita, hindi ka na makakaipon pa. Markahan ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Yellow at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Ikaw na naman ang tampulan ng intriga. Marami kasing naiingit sa kagadahan mo at galing. Pipilitin ka nilang ibagsak at sirain. Pero sorry na lang sila, dahil mula sa araw ng ikaw ay isinilang pinoproteksyunan ka na ng langit, upang tuloy-tuloy na lumigaya at magtagumpay. Markahan ang 9, 12, 21, 33, 45 at 48. Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Sa pinansiyal, kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa ng mag-invest. Sa lovelife maging magpamahal sa araw na ito, sa iyong pag-dating pasalubungan ng matamis na halik ang kasuyong naghihintay ng iyong intrega. Markahan ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Black at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Tanging ikaw ang makapagpapabago ng sarili mong kapalaran. Isagawa na agad-agad ang marahas na pagbabago, lumayo ka sa sinilangan mong bayan. Sa lovelife, tumuklas ng bagong inobasyon sa romansa, upang muling uminit ang nanlalamig na relasyon. Markahan ang 4, 19, 22, 34, 41 at 48. Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa araw na ito mare-realize mong hindi pinupulot ang pera, kundi pinaghihirapan. Sa pag-ibig iwasang ng makipag-Facebook sa dating ka-relasyon upang hindi magulo ang kasalukuyang lovelife. Markahan ang 2, 8, 11, 18, 28, at 46. Blue at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending