Luis may request kay Sarah kapag nagkaanak na | Bandera

Luis may request kay Sarah kapag nagkaanak na

Ervin Santiago |March 01,2020
facebook
share this

Luis may request kay Sarah kapag nagkaanak na

Ervin Santiago - March 01, 2020 - 03:10 PM

ISANG bonggang welcome celebration ang ibinigay ng ASAP Natin To family sa bagong kasal na si Sarah Geronimo kanina sa live episode ng programa. 

Pagkatapos ng opening number kung saan kinanta ni Sarah ang  Abba hit na “Dancing Queen” isa-isa siyang binati ng kanyang mga kasamahan sa programa for three reasons.

Una, nagse-celebrate ngayon ng 17th year sa entertainment industry ang Popstar Royalty, ikalawa ay ang tagumpay ng kanyang “Tala” music video na umabot na ng 100 million views sa YouTube. At siyempre, ang pagpapakasal nila ni Matteo Guidicelli. 

Ayon kay Ogie, “Gusto ka namin batiin. Gaya ng milyong milyong nagmamahal sa’yo at kay Matteo, binabati ka namin ng best wishes and congratulations. Asahan mo na sa lahat ng panahon, maaasahan mo kami ni Ate (Regine Velasquez).”  

Biro pa ni Ogie, bibigyan nila ni Regine ng washing machine ang newly-weds.

Request naman ni Luis Manzano kina Sarah at Matteo, “Isang lambing lang ang hihingiin namin sa’yo. Kung saka-sakali man na dumating na ang tamang oras na kayo ni Matt ay magkakapanganay na, ang hinihingi namin na sana ipangalan mo sa magiging bata ay Piolo Luis Ogie Reg Martin Zsa Erik Geronimo Guidicelli.” 

Sey naman ng kaibigan ni Sarah na si Erik Santos, “Kaming mga kaibigan niya sa Champions, sobra kaming masaya para sa’yo Sarah. Sobrang saya ng puso namin dahil alam namin yung mga pinagdaanan ni Sarah. Ngayon na sobrang happy mo na, happy kami para inyo ni Matt.” 

Ito naman ang mangiyak-ngiyak na message ng Popstar Royalty, “Abot-abot lang po ang pagpapasalamat sa lahat po ng sumusuporta, for your best wishes. Maraming salamat po.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending