NAPANOOD namin ang live interview ng King of Talk na si Boy Abunda sa singer na si Sheryn Regis sa taping ng “Tonight with Boy Abunda”.
Akala namin ay may big reveal si Sheryn about her lovelife at papangalanan na ang bago niyang karelasyon.
We have a source kasi na nagkuwento tungkol sa lovelife niya. Akala nga namin when she came back to the Philippines (again), isa sa mga pasabog niya is about her new dyowa.
So, inabangan talaga namin ang interbyu ni Kuya Boy kay Sheryn sa TWBA studio. But we’re disappointed when she said that she’s not yet ready to admit or make kwento about her lovelife.
Hindi rin niya inamin kung sila pa rin ng mister niya na dating vocal coach and manager niya.
Naintindihan naman namin ang reason ni Sheryn for not admitting what’s true sa kanila ng hubby niya. It’s for the sake of their 17-year old daughter daw na naka-based sa US.
Couple of years ago, nainterbyu namin ang isang mayamang Pinay na naka-base sa US na ang claim ay nilapitan siya ni Sheryn para hingan ng tulong. Hanggang sa sinabi pa ng rich Pinay na nagkaroon sila ng espesyal na relasyon ni Sheryn.
At the same time, malungkot niyang ikinuwento na hindi na nakikipag-communicate at nagpapakita sa kanya si Sheryn.
And then, nanahimik ang isyu ganu’n din si Sheryn. Until nu’ng last quarter of 2019, may nabalitaan kami na babalik na ulit ng Pinas si Sheryn.
Bukod sa kanyang concert, ilalahad din daw niya ang naging karamdaman niya while she’s in America na naikwento naman niya sa publiko during her press conference
Kahit sa TWBA, sinabi ni Sheryn na nagkaroon siya ng cancer sa lalamunan at himalang gumaling. Pero hindi binanggit ni Sheryn ang tungkol sa kanyang lovelife.
Although, a source has already told us na meron nga raw bagong karelasyon na Pinay celebrity din si Sheryn ngayon?
Knows namin ang Pinay celeb at minsan na rin naming nainterbyu. Na-sight din namin siya na palakad-lakad sa studio ng TWBA the night na nag-guest si Sheryn.
Kilala sa mundo ng teatro ang Pinay celeb pero saka na namin siya papangalanan kapag nakausap na namin sila ni Sheryn about it. Huwag muna tayong mag-jump ito conclusion dahil baka naman super friends lang sila.