Showtime tinira ni Mocha; madlang pipol umalma, nagsumbong kay Ethel

MOCHA USON AT ETHEL BOOBA

As usual, umatungal na naman si Mocha Uson sa nangyaring mistake sa jackpot round sa “PiLing Lucky” segment ng “It’s Showtime”.

Pinapili ang contestant na si Ginalyn Canillo sa mga painting para sa chance niyang magwagi ng cash prize of P550,000 o kaya ay “negosyo” package. Ang napiling painting ni Ginalyn ay naglalaman ng 5 kilo ng bigas.

Nang isa-isahin ang painting ay wala ang “negosyo” package kaya naman nag-decide ang pamunuan ng show na ibigay na lang kay Ginalyn ang “negosyo package. Humingi naman ng paumanhin ang Showtime.

“Antayin natin ang palusot na naman ng ABSCBN. Magaling sila dyan. #ShowtimePowerKulitan,” patutsada ni Mocha.

Dito ay pinag-react si Ethel Booba ng kanyang followers.

“Wala naman, hayaan na lang natin sya mag-antay ng mag-antay hanggang mapagod sya. Charot!” sagot ni Ethel.

Of course, na-bash uli si Mocha.

“At least naka tulong po. ikaw anu naiambag mu para sa ikakabuti ng lipunan?!”

“Kumusta naman yung mga OFW, Mocha? Nakikisawsaw ka na naman. Gawin mo trabaho mo. Sayang binabayad ng mga pilipino sa yo.”

“Binigay na wag kang epal. Kung sahod mo kaya ang ibigay mo sa mahihirap mas matutuwa pa kami sayo.”

“Ayiee, nag watch ng Showtime tapos gusto mo ipasara ang station? Ipokrita kang tunay. By the way @PHCivilService, diba dapat nagtratrabaho pa ito bilang kawani ng OWWA? Ayan, 4:07pm pa lang, bakit ito na inaatupag nito? Kahiya naman sa 155k + perks na galing sa tax namin.”

Read more...