Maine kilig na kilig sa ex-Kapuso matinee idol; nangisay na naman sa Bawal Judgmental

UMIRAL na naman ang pagiging faney ni Maine Mendoza nang mag-guest sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga ang ilan sa bumida noon sa Kapuso youth oriented show na T.G.I.S.

Kung matatandaan, sa T.G.I.S. nagsimula at sumikat ang loveteams nina Angelu de Leon at Bobby Andrews; Kim delos Santos at Dino Guevarra at Polo Ravales at Sunshine Dizon.
Present sa nasabing episode ng Eat Bulaga sina Angelu, Bobby, Michael Flores, Ciara Sotto, Maui Taylor, Polo at Dino.

Pero among the male guest stars kay Dino talaga kilig na kilig si Meng! Nakuhanan pa siya ng kamera na nanginginig sa kilig, huh!

Tweet niya, “Ehhhh kasi naman ito din eh! Eight eight eight eight otso otso otso!”

“Dino-Kim din ako pasensiya na po kinilig lang din talaga ako ng very light! #BawalJudgmental @EatBulaga,” mensahe pa ng Dubsmash Queen.

Pahabol ni Maine, kinakiligan din niya ang loveteam nina Angelu at Bobby dahil nasubaybayan din daw niya ang ilang projects ng dalawa.

Nabuking din sa segment na ito ng Eat Bulaga na naging ex-girlfriend ni Michael si Angelu that time pero rason ni Angelu ay puppy love lang ang kanilang feelings noon dahil nga mga bata pa sila.

 

 

Read more...