‘Super fan ako ni LT!’ – Rhea Tan


Samantala, mananatili pa ring isa sa mga top and high-profile celebrity ambassador ng Beautéderm ang iconic actress at grand slam queen.

Ang kolaborasyon sa pagitan ng Beautéderm at ni Lorna ay talagang matinidi sapagkat kapwa nila kinakatawan ang highest ideals of quality, perfection, integrity, at hard work na nag-dedeliver ng finest results.

Ngayong 2020, ipinagdiriwang ng Beautéderm ang isang buong dekada bilang isang trusted leader sa beauty and wellness industry, nalagpasan na nito ang 100 physical store mark na inumpisahan last year.

Si Lorna naman ay hindi tumitigil sa pagpapamalas ng kanyang husay bilang aktres na napapanood gabi gabi bilang kontrabidang si Lily Cortez sa Ang Probinsyano na talagang kinamumuhian ngayon ng manonood.

“Sobrang ligaya ko sa Beautéderm,” sabi ni Lorna na siyang endorser ng Cristaux Gold Elixir Serum. “Nag-uumapaw sa pagsasalamat ang puso ko dahil ni-renew ako ni Rei bilang isa sa mga ambassadors nila. I’m so thankful for the genuine friendship that I share with Rei, her family, with the entire staff of the company.”

Sabi naman ng President at CEO ng kumpanya na si Rhea Anicoche-Tan, “She is really a woman that I admire and look up to. Lagi ko naman sinasabi na idol ko si Ate LT. Fan ako ng body of work niya and we are honored to have her as our ambassador.
“She is an icon of beauty and a symbol of excellence. Pero ang pinaka-mahalaga, Ate LT is a wonderful, selfless person. Her kindness and her beautiful heart inspires us all to be the best versions of ourselves,” aniya pa.

Read more...