1 trak ng baboy mula sa Camarines Sur na tinamaan ng ASF naharang sa Albay

NAHARANG ng Task Force African Swine Fever (TF ASF) ang isang trak na puno ng buhay na baboy mula Camarines Sur na idedeliber sana sa isang hog trader sa Albay, ayon sa Albay Provincial Veterinary Office (PVO).

Sinabi ni Pancho Mella, PVO chief, na naharang ng TF ASF ang trak na sakay ang 32 baboy sa checkpoint sa Barangay Kilicao ganap na alas-4 ng hapon. Nanggaling ang trak mula Bula, Camarines Sur.

Nauna nang nagpositibo sa ASF ang maraming patay na baboy mula Camarines Sur.

Sinabi ni Mella na idedeliber sana ang mga baboy sa isang hog trader sa bayan.

Bumaba sa P50 kada kilo ang presyo ng baboy mula sa dating P110 kada kilo.

Read more...