CHITO tinangkang i-blackmail, ‘SEX VIDEO for RANSOM ’ dinedma


TOTOO kaya ang nabalitaan namin na tinangka raw i-blackmail si Chito Miranda (bokalista ng Parokya Ni Edgar) ng taong nagnakaw sa bahay nila  gamit ang sex video nila ng girlfriend na si Neri Naig?

Ayon sa kuwento, may nakausap raw ang singer na ibabalik sa kanya ang hard drive kung saan naka-save ang kontrobersiyal na video scandal nila ni Neri Naig kapalit ng malaking halaga.

Pero ang chika, hindi raw pumayag si Chito sa gustong mangyari ng caller at hinamon pa niya itong ilabas ang sex video dahil hindi raw siya natatakot.

Nagbanta pa diumano si Chito na ipapahahanting siya sa mga awtoridad kung sakaling lumabas ang nasabing video.
Well, kung totoo nga ang kuwentong ito, ibig sabihin hindi nagpasindak kay Chito ang nang-blackmail sa kanya dahil kumalat na ang nakakawindang at nakakalokang churvahan nila ni Neri  sa lahat ng social networking sites.

Napanood namin ang video, at masasabi naming hindi kami naaawa o nakikisimpatya sa kanila. E, kasi nga, kitang-kita roon na enjoy na enjoy sila sa pinaggagagawa nila sa harap ng camera.

May eksena pa nga roon na mismong si Neri Naig ang nag-aayos ng camera sa laptop nila para mas mai-focus ang kanilang kaselanan ni Chito.

But just the same, may mga nagsasabi naman na tama ang ginawa ni Chito na lumantad agad at aminin ang totoo para hindi na lumaki ang issue.

Pero natatawa kami sa komento ng ilan na gentleman pa rin daw si Chito dahil sa pag-amin niya! Ha-haha! May gentleman bang bini-video ang babaeng mahal mo habang nagse-sex kayo? Ewan ko lang, ha!

( Photo credit to Google )

Read more...